41
TL
• Itakda sa (MAX) para sa pag-vacuum ng mga matitigas na surface (mga sahig na may tiles o gawa sa kahoy, atbp.),
at mga carpet at rug na sobrang marumi.
3 • Pagtabi at pagbitbit sa appliance
Pagkatapos gamitin, i-off ang iyong vacuum cleaner sa pamamagitan ng pagpindot sa button na ON/OFF at bunutin
ito sa saksakan (fig. 10).
I-wind ang kurdon ng kuryente sa pamamagitan ng pagpindot sa button para sa pag-wind ng kurdon ng kuryente
(fig. 11).
Madali lang bitbitin ang iyong vacuum cleaner gamit ang hawakan (8).
Huwag bitbitin ang iyong appliance gamit ang hawakan ng kompartamento para sa alikabok (fig.12).
Kapag itinatabi ang iyong vacuum cleaner, ilagay ang tube sa kompartamento nito sa likod ng appliance (fig.13).
Hindi mo kailangang alisin ang accessory support (30) upang itabi ang accessory range (Fig.14).
Ang hanging ating nilalanghap ay may mga particle na maaaring nakakapagdulot ng allergy: mga larva at dumi ng dust
mite, amag, pollen, usok at dumi ng hayop (balahibo, balat, laway, ihi), atbp.
Ang mga pinakapinong particle ay maaaring makapasok sa pinakaloob ng respiratory system o makapagdulot ng pama-
maga at maapektuhan ang buong respiratory system.
Nakukuha ng mga (H)EPA ([High] Efficiency Particulate Air) filter ang mga pinakapinong particle.
Salamat sa (H)EPA filter, ang hanging maibabalik sa kwarto ay mas malinis kaysa sa hanging na-vacuum.
MAHALAGA: palaging i-off at bunutin sa pagkakasaksak ang iyong vacuum cleaner bago linisin o ayusin.
Regular sa suriin at linisin ang iyong vacuum cleaner at ang iba't ibang filter.
MAHALAGA: huwag gamitin ang iyong vacuum cleaner nang hindi nakakabit ang filtration system (foam,
microfilter at filter).
1 • Pagtapon sa laman ng kompartamento para sa alikabok (5)
Pagkatapos ng bawat paggamit, itapon ang laman ng kompartamento para sa alikabok tulad ng sumusunod:
- Kunin ang kompartamento para sa alikabok sa hawakan at alisin ito (fig.15).
- Ihiwalay ang kompartamento para sa pinong alikabok (5b) sa pangunahing kompartamento (5a) (Fig.16).
- Itapon ang laman ng pangunahing kompartamento sa basurahan (Fig.17) pagkatapos ay itapon ang kompartamento
para sa pinong alikabok (5b) (Fig.18).
- Linisin ang mga takip ng kompartamento gamit ang isang pamunas.
- Ibalik ang kompartamento para sa pinong alikabok sa pangunahing kompartamento (Fig.19) pagkatapos ay ibalik sa
lugar ang kompartamento para sa alikabok (fig.20).
MAHALAGA: huwag gamitin ang vacuum cleaner sa sandaling maabot ang pinakamataas na antas (6) sa
kompartamento para sa alikabok.
2 • Paglinis sa filter na itim na foam (18a)
MAHALAGA: linisin ang filter na itim na foam bawat 6 na buwan o kapag hindi na maayos ang pag-vacuum.
- Pindutin ang button sa pag-alis sa takip (fig.21). Hilahin ang takip (fig.22).
- Alisin ang filter na itim na foam (fig.23) pagkatapos ay linisin at pigain ito (fig.24). Hayaang matuyo sa loob ng hindi
bababa sa 12 oras bago ibalik.
PAUNAWA: hayaang lubos na matuyo ang filter na itim na foam at tiyaking tuyung-tuyo na ito bago ito ibalik
sa appliance.
- Ibalik ang filter na itim na foam at isara ang takip.
3 • Paglinis sa microfilter (18b)
MAHALAGA: linisin ang microfilter bawat 6 na buwan.
- Pindutin ang button sa pag-alis sa takip (fig.21). Hilahin ang takip (fig.22).
- Alisin ang filtration cassette (18) pagkatapos ay ihiwalay ang filter na itim na foam (18a) sa microfilter (18b) (fig.25).
- Hugasan ang microfilter (fig.26). Hayaang matuyo sa loob ng hindi bababa sa 12 oras bago ibalik.
PAGLILINIS AT PAGPAPANATILI
*Depende sa modelo: ang mga piyesang ito ay partikular sa ilang modelo o ang mga ito ay mga accessory na
mabibili nang hiwalay.