42
PAUNAWA: hayaang lubos na matuyo ang microfilter at tiyaking tuyong-tuyo na ito bago ikabit muli sa ap
-
pliance.
- Ibalik ang filter na itim na foam at isara ang takip.
PAUNAWA: ang iyong appliance ay kinabitan ng system para sa kaligtasan (19) para sa pagtukoy sa filtration
cassette: hindi maaaring isara ang takip kung hindi nakakabit ang filtration cassette (18a+18b).
Available ang filtration cassette ref. RS-RT3732 (18a+18b) sa mga tindahan o sa mga Approved Service Cen-
tre.
MAHALAGA: kung hindi gumagana nang maayos ang appliance pagkatapos linisin ang filter na itim na
foam at microfilter sa iyong vacuum cleaner, linisin ang HEPA filter.
4 • Paglinis sa HEPA filter* ref RS-RT3846* (17a)
- Kung kinakailangan, alisin ang accessory support (30)* at pagkatapos ay itayo ang vacuum cleaner (Fig.27).
- Buksan ang takip ng HEPA filter (Fig.28).
- Alisin ang HEPA filter sa lalagyan nito (fig.29). Linisin ang HEPA filter sa pamamagitan ng dahan-dahang pagtapik dito
sa ibabaw ng basurahan (fig. 30).
- Ibalik ito sa lalagyan nito (Fig.32).
- Ibalik ang takip hanggang makarinig ka ng pag-click na nangangahulugang nakasara na ito.
MAHALAGA: palitan ang HEPA filter bawat 12 buwan. Available ang HEPA filter sa iyong dealer o sa mga Ap
-
proved Service Centre.
5 • Linisin ang nahuhugasang HEPA filter * ref. RS-RT3733* (17b)
Mahalaga!: ang HEPA filter ref RS-RT3733* lang ang dapat hugasan.
- Kung kinakailangan, alisin ang accessory support (30)* at pagkatapos ay itayo ang vacuum cleaner (Fig.27).
- Buksan ang takip ng HEPA filter (Fig.28)
- Alisin ang HEPA filter sa kompartamento nito (fig.29).
- Tapikin ang HEPA filter habang hawak ito sa ibabaw ng basurahan (Fig.30), pagkatapos ay hugasan sa umaagos na
tubig at hayaang matuyo sa loob ng hindi bababa sa 24 na oras (Fig.31) (tiyaking lubos at talagang tuyo na ang filter
bago ibalik).
- Ibalik ang HEPA filter sa kompartamento nito (Fig.32). Itulak ang takip hanggang makaring ka ng pag-click sa pag-
kaka-lock.
Available ang nahuhugasang HEPA filter* ref RS-RT3733 sa mga tindahan o sa mga Approved Service Centre.
6 • Paglinis sa system para sa paghihiwalay ng hangin at alikabok (4)
- Alisin ang hose sa vacuum cleaner.
- Buksan ang takip ng vacuum cleaner (fig. 21-22).
- Pindutin ang button sa pag-alis ng panghiwalay (fig.33) at pagkatapos ay alisin ang system para sa paghihiwalay
(fig.34).
- Alisin ang kompartamento para sa paghihiwalay (4c) sa pamamagitan ng pagpihit nang bahagya sa kaliwa (fig.35) at
pagkatapos ay ihiwalay ang dalawang kompartamento (fig.36).
- Hugasan ang mga piyesa (4a+b and 4c) sa malinis na tubig (fig. 37) at hayaang matuyo sa loob ng 6 na oras.
- Muling ikabit ang mga piyesa ng filter system (4):
- Ibalik ang kompartamento para sa paghihiwalay (4c) sa system para sa paghihiwalay (4a+b) (fig. 38) sa pamamagitan
ng pagpihit nang bahagya sa kaliwa hanggang makarinig ka ng pag-click na nangangahulugang nakasara na ito (fig.
39).
- Pagkatapos ay ibalik ang buong system para sa paghihiwalay (4) sa appliance (fig. 40) at isara ang takip.
7 • Paglinis sa iyong vacuum cleaner
- Punasan ang vacuum cleaner at mga accessory gamit ang isang malambot at mamasa-masang pamunas, at pagka-
tapos ay tuyuin gamit ang isang tuyong pamunas.
- Hugasan ang kompartamento para sa alikabok (5a+ 5b) sa malinis o may sabong tubig, at pagkatapos ay tuyuin gamit
ang isang tuyong pamunas.
*Depende sa modelo: ang mga piyesang ito ay partikular sa ilang modelo o ang mga ito ay mga accessory na
mabibili nang hiwalay.